I travel philippines
Lunes, Nobyembre 11, 2013
where have you been
http://www.youtube.com/v/E9vkMnuAVZA?version=3&autohide=1&showinfo=1&autoplay=1&attribution_tag=l9HROURFI_25OMe406FAmA&feature=share&autohide=1
Linggo, Enero 13, 2013
@TURISMO FILIPINO
patriotism of tourism
Tayong mga pinoy ay may kasabihang BAYAN MUNA BAGO ANG SARILI. Isang ideolohiyang kailangang-kailangan ng bansang Pilipinas ngunit anu nga ba ang ibig sabihin nito? Sapagkat marami ng bayani ang nagpatunay sa ibig sabihin nitong salawikain at ayon kay Andres bonifacio ito ay ang pagiging makabayan o ang patriotismo.Ngunit sabandang huli napagtanto kung hindi lamang ang pag buwis ng buhay para sa bayan ang dahilan upang ikaw ay tawaging makabayan ngunit ang “pag kikilala sa iyong sariling bayan ay siya ring mas mahalaga.. paano mo nga ba mamahalin ang iyong sariling bansa kung hindi mo alam ang kagandahan nito? Noon pa man pangarap ko na ang maging isang turismo sapagkat hangarin kung ipag malaki ang ating napakagandang bansa na naliligiran ng berdeng kapaligiran at kakaibang hugis ng pulo na dapat bigyang pansin at paunlarin..Kayo ano ba ang pangarap nyo bat kayo naririto? At kapansinpasin na akoy naririto sa inyong harapan upang iparating ang mga bagay na dapat bigyang kaalaman sa kahalagahan ng turismo sa ating bansa at sa buong mundo. Dahil ang turismo ang pangunahing idea o dahilan ng pag pagpapalitan sa rate ng salapi. Upang umunlad ang bansa. Ngunit panu nga ba ito lalago kung iisipin nating napaka babaw ng kursong turismo kung pwede namang magtapos ng ibang kurso?
Marahil ito ay pagiging kulang sa kaalaman ng sistemang pinagluluoban ng kursong turismo dahil ang pagiging turismo ay higit pa sa pag gagamot ng tao. Higit pa sa pag diskobre o pag gawa ng bagong teknolohiya, higit pa sa pag plano o pag patayo ng napakagandang gusali at ito ay higit pa sa karamihang kursoSapagkat ang turismo ay ang pag gagamot sa puso ng kalikasang nilikha ng diyos at pag papanatili sa kagandahang taglay nito. At ito rin ay ang pag diskobre ng kultura at pag gawa ng paraan upang mapanatili ang gawi ng katutubung mamamayan.at ito rin ay ang pag plano ng istabilisasyon na di makasisira sa natural na kalikasan at pag plano na paunlarin ang ating bayan. At ito rin ay ang pag bibigay ng maraming kaalaman sa ating lahat ng ibat’ibang tanawin at kultura na dapat nating pagyamanin.Marahil, maitatanong natin sa ating sarili, "bakit nga ba isinasaisang tabi ang turismo at ito ay napag iiwanan kung ito naman ang patriotismong pamamaraan upang ipa unlad ang ating bansa at sa ganitong paraan mas marming trabaho ang mag bubukas kungn itoy bigayang pansin?Napakahirap ngang pumukaw ng damdamin ng mga tao ngunit sa turismo ay hindi ito imposible sapagkat dito ikaw ay maglalakbay at iyong ma tutuklasan ang maraming napakagandang biyaya ng diyos na atin ding pinag mulan.At dito tayo'y mag tatrabahong pangalagaan ang ating kalikasan. At dito tayo ay kikilos na may tuwa at ka ginhawaan sa ating puso dahil dito tayo ay mg lalakbay na may pagmamahal sa ating natural na kalikasan. at makikilala ang ibat- ibang tao at sa kanila'y matutunan mong kilalanin ng lubos ang iyong sarili..Kaya huwag maging “ DAYUHAN SA SARILING BAYAN”
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)